^

Bansa

Domeng lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Domeng lumakas
Alas-11 ng umaga kahapon, si Domeng ay namataan ng PAGASA sa layong 615 kilometro hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at pagbugso ng hangin na aabot sa 65 kilometro bawat oras.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Domeng habang nananatili sa paggalaw sa hilagang kanluran ng bansa.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Domeng ay namataan ng PAGASA sa layong 615 kilometro hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at pagbugso ng hangin na aabot sa 65 kilometro bawat oras.

Si Domeng ay kumikilos pakanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Dahil sa pinagsanib na epekto ni Domeng at ng habagat, magkakaroon ng malakas na pag-ulan sa Bicol Region at sa western sections ng MIMAROPA at Visayas gayundin sa Calabarzon hanggang Metro Manila at nalalabing kanlurang bahagi ng Luzon mula ngayong Biyernes at sa weekend.

Ngayong Biyernes, si Domeng ay inaasahang nasa layong 700 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at sa Sabado ay nasa layong 715 kilometro silangan ng Basco, Batanes.Tatagal pa ito sa ating bansa hanggang sa araw ng Martes.

vuukle comment

TYPHOON DOMENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with