^

Bansa

BARMM Grand Coalition inendorso Sulu Governor Sakur Tan bilang chief minister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inindorso ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Grand Coalition (BGC) si Sulu Governor Sakur Tan para sa kandidatura ng Chief Mi­nister kaugnay ng gaganaping Bangsamoro Parliament elections sa Mayo 2025.

Kabilang sa apat na nangungunang partido pulitikal na bumubuo sa BGC ay ang Salaam Party ni Tan, Bangsamoro People Party (BPP), Al Ittihad-UKB Party at ang Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo (SIAP) Party,” na pawang nagkasundo na suportahan ang kandidatura ng Sulu Governor para sa top position sa BARMM polls.

“The coalition has come to a consensus that it will be backing Gov. Sakur Tan for the position of Chief Minister in the Bangsamoro Parliament because the BGC believes he is more than qualified to hold the post,” ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, isa sa mga founder ng BPP sa ginanap na General Assembly ng Salaam Party-BGC sa Maimbung, Sulu.

Pinasalamatan naman ni Tan ang mga opisyal at miyembro ng partido pulitikal ng BGC na sinabing tinatangkilik nila ang kumpiyansa na ipinagkaloob sa kanila ng mga lider ng BARMM local governments.

“Iisa ang ating adhikain: ang isang mapayapa, maunlad at masaganang Bangsamoro region na may paggalang sa karapatan ng lahat ng sektor na bibigyan ng boses sa pamahalaan”, ani Tan.

Sinabi ni Hataman na ang desisyon na iindorso si Tan ay kanilang ginawa matapos ang serye ng mga pagpupulong at konsultasyon sa mga opisyal at miyembro ng mga partido pulitikal, non-government organizations at civil society groups na bumubuo sa BGC.

Sa kasalukuyan si Tan ay nasa ikalawang termino bilang gobernador ng Sulu matapos na magserbisyo ng isang termino bilang Vice Governor mula 2013 hanggang 2016.

vuukle comment

BARMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with