^

Bansa

Dahil lamang sa tsinelas, magsasaka, nalunod patay

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Dahil lamang sa tsinelas, magsasaka, nalunod patay
Namatay ang isang magsasaka matapos itong malunod sa rumaragasang ilog sa Penablanca, Cagayan, kamakalawa ng hapon.
File photo

MANILA, Philippines - Namatay ang isang magsasaka matapos itong malunod sa rumaragasang ilog sa Penablanca, Cagayan, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Toto Ulahis, 33, magsasaka, at residente ng naturang lugar. 

Base sa report ng pulisya, sinubok umano na abutin ng biktima ang inanod na kabiyak ng tsinelas nito nang mapadaan ito sa Pinacanauan River.  Dahil sa lakas at bilis ng agos ng ilog ay natangay ang biktima at namatay sa pagkakalunod.

Nakita na lamang umano ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa ilog ng mga rumespondeng residente matapos itong malunod.

Ang paglaki ng ilog sa nasabing bayan ay bunsod ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa lalawigan.

 

vuukle comment

PINACANAUAN RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with