^

Bansa

Probe team vs 3 ‘narco generals’ binuo

Rudy Andal, Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumuo na ang National Police Commission (Napolcom) ng isang team upang imbestigahan ang pagkakasangkot ng tatlong aktibong heneral ng Philippine National Police (PNP) na isinasangkot sa illegal drugs kasunod ng pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Napolcom vice chairman at executive officer Atty. Rogelio Casurao, ang pagsisiyasat na gagawin ng Ad Hoc Committee ng Napolcom laban sa tatlong PNP generals na sina dating National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Joel Pagdilao, dating Quezon City Police District director Chief Supt. Edgardo Tinio, Chief Supt. Bernardo Diaz ng Police Regional Office 6 ay nagsimula kahapon.

Ayon kay Casurao, ang team na binubuo ng ilang Napolcom officials at mga abogado ay naatasang i-validate ang mga piraso ng mga ebidensya mula sa magkabilang panig at tapusin ito sa loob ng pitong araw.

 Mayroon namang limang araw ang mga sangkot na heneral para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanila.

 Ang team, aniya ay naatasang i-validate ang mga piraso ng mga ebidensya mula sa magkabilang panig at tapusin ito sa loob ng pitong araw.

 Mayroon namang limang araw ang mga sangkot na heneral para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanila.

Tiniyak ni Casurao na tatapusin nila ang imbestigasyon sa loob ng isang buwan.

 “In one month, the Commission will come out on the fate of these generals,” pagtiyak ni Casurao.

Nang tanungin kung gaano kalakas ang ebidensya ng Pangulong Duterte, sabi ng opisyal, “the President is the number one official of the land and he has wide access of information.  He has the machinery to have all the information he needs to govern the country.” 

 Sa ilalim ng proseso, matapos ang validation, clarification at evaluation ng mga ibidensya, ang Ad Hoc team ay dapat na makabuo ng pormal na ulat hinggil sa determinasyon ng isang probable cause bago isumite ang rekomendasyon nito sa en banc ng Napolcom.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with