^

Bansa

Nene, sex slave ng Kuya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagwakas na ang kalbaryo ng 13-anyos na dalagita na ginawang sex slave sa loob ng apat na taon ng sariling utol matapos na masakote ang suspek kamakalawa sa bayan ng Mulanay, Quezon.

Sa ulat ng Quezon PNP na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-11:45 ng umaga nang masakote ang suspek na ipinatago sa pangalang Carlo upang bigyang proteksyon ang kanilang pamilya  sa nasabing bayan.

Ang biktima ay itinago naman sa pangalang Sonia  na umano’y matagal nang ginagahasa ng suspek sa tuwing wala ang kanilang mga magulang.

Nadiskubre lamang ang panggagahasa sa biktima matapos mahuli sa akto ng isa nilang kapamilya ang suspek habang ginagawan ng kahalayan ang dalagita.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya, hindi umano siya nagsumbong sa mga magulang matapos siyang pagbantaang bubugbugin at papatayin ng suspek.

Kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

ANG

BIKTIMA

CAMP CRAME

KASALUKUYANG

MATAPOS

MIMAROPA

MULANAY

NADISKUBRE

NAGWAKAS

QUEZON

SONIA

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with