^

Bansa

US Embassy nag-warning sa mga Kano vs pambobomba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inalerto ng US Embassy ang kanilang mga mama­mayan na nasa Pilipinas na maging maingat, mapagmatyag at umiwas sa anumang terorismo o tangkang pambobomba.

Ang babala ay kaugnay ng pagkakadakip nitong Oktubre 7 sa lungsod Quezon ng 3 suspek na sina Ricardo Ayeras, Andrescio Valdez at Ricky Macapagal na sinasabing konektado sa mga teroristang grupo.

Si Ayeras ay sinasabing miyembro ng Rajah Solaiman Movement na nagpasabog umano sa isang airport sa Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao noong taong 2003.

Payo ng embahada sa mga US citizen, manatiling mapagmatyag.  Huwag din anilang galawin ang mata­tagpuang kahina-hinalang bagay.

Sakaling may makita o makaalam ng anumang tangkang pagpapasabog ay agad itong ireport sa mga awtoridad.

 

vuukle comment

ANDRESCIO VALDEZ

DATU ODIN

HUWAG

INALERTO

MAGUINDANAO

RAJAH SOLAIMAN MOVEMENT

RICARDO AYERAS

RICKY MACAPAGAL

SI AYERAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with