^

Bansa

May hawak ng ‘chain of evidence’ 2 bagong testigo sa pork scam lalantad

Ludy Bermudo/Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ni Atty. Levito Baligod na may nakuha pang dalawang bagong testigo na kukumpleto sa ‘chain of evidence’ na magpapatunay ng sabwatan sa pagitan ni Janet Lim- Napoles, mga mambabatas at implementing agencies na ginamit para maibulsa ang pork barrel fund.

Ani Baligod, abugado ng pangunahing whistleblower na si Benhur Luy, humarap at sumalang na mismo sa pagtatanong  ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang dalawang bagong testigo sa pork barrel scam.

Gayunman, hindi muna niya pinangalanan ang dalawa at tiniyak na bukod pa ito kina Ruby Tuason at Dennis Cunanan.

Masyado umanong kritikal ang nalalaman ng mga bagong testigo kaya minarapat na niyang idiretso ang mga ito kay Ombudsman Morales.

Medyo nagpasaring pa si Baligod sa Department of Justice (DOJ) nang sabihin niya na kaya hindi na niya idinaan sa DOJ ang dalawang testigo ay dahil umiingay ang paglu­tang ng mga testigo kapag idinadaan sa Witness Protection Program (WWP).

Naisalang na umano sa proseso ang dalawang bagong testigo.

Kritikal aniya ang hawak na impormasyon ng dalawang bagong testigo dahil patutunayan ng mga ito na ang mga pi­nuno ng mga imple­menting agency hanggang sa kalihim ng isang gabinete ay sangkot kaya naabuso ang pork barrel fund.

“Itong dalawa po will give us a very crucial information that will prove that the head of the implementing agency all the way to the secretary of that department were involve kaya nangyari ito. In fact, hindi lang PDAF yong sinasabi nila,” pahayag ni Baligod.

“Merong P1.4 billion, merong P300 million, merong 75 million re­carried yearly, instead sana na mapunta sa magsasaka natin, ay sa iba napupunta,” dagdag ni Baligod.

Umaasa ang kampo ni Baligod na sa darating na Abril ay mairerekomenda na ng Ombudsman na makasuhan sa Sandiganbayan ang mga idinadawit sa pork scam na pina­ngungunahan nina Janet Lim Napoles, Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Sen. Jinggoy Estrada, ex-Congw. at ngayon ay Masbate Gov. Rizalina Seachon-Lanete, ex-Rep. Edgar Valdez - APEC Party-list, ex-Rep. Rodolfo Plaza - lone district ng Agusan del Sur, Rep. Samuel Dangwa - lone district ng Benguet at Rep. Constantino Jaraula-lone district ng Cagayan de Oro gayundin sina Atty. Jessica “Gigi” Reyes, da­ting chief of staff ni Enrile; Atty. Richard Cambe, staff ni Revilla; Ruby Tuason, aide ni Enrile at Estrada; Pauline Labayen, da­ting staff ni Estrada; Jose Sumalpong, chief of staff ni Lanete; Jeanette dela Cruz, district staff ni La­nete; Erwin Dangwa, chief of staff ni Dangwa at Carlos­ Lozada, staff ni Dangwa.

 

vuukle comment

ANI BALIGOD

BALIGOD

BENHUR LUY

CONSTANTINO JARAULA

DANGWA

DENNIS CUNANAN

RUBY TUASON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with