^

Bansa

CSC: Impeachment kay PNoy dahil sa sigarilyo walang basehan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang sapat na batayan para kasuhan ng impeachment si Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng  kanyang paninigarilyo.

Ito ang paliwanag ni Civil Service Commission (CSC) Chairman Francisco Duque  kaugnay sa pahayag ni CSC Assistant Commissioner Ariel Ronquillo na maaaring nilabag ng Punong Ehekutibo ang isinasaad ng Memorandum Circular 17-2009 oras na manigarilyo ito sa loob ng opisina ng gobyerno.

Sinabi din ni Duque na personal itong opinion ni Ronquillo at hindi posisyon ng CSC.

Idiniin din ni Duque na hindi naman krimen ang paninigarilyo at hindi ito impeachable offense. May absolute prohibition din anya ang sinasabi ng naturang memorandum.

“Ang sinasabi lang sa MC 17 ay ang Department of Health, DepEd at saka DSWD, ito talaga may absolute prohibition. Anywhere in these departments, mga social service department ay bawal talaga ang paninigarilyo.” pahayag ni Duque sa panayam ng DZMM

Tinawag naman ni Duque na ispekulasyon lamang ni Ronquillo ang argumento nitong paninigarilyo ni PNoy sa presidential residence at grounds ng Malakanyang dahil hindi naman niya ito nakita.

Ani Duque, may mga smoking area sa mga tanggapan na pawang mga open space rin at malamang na sa open space din naninigarilyo ang Pangulong Aquino.

vuukle comment

ANI DUQUE

ASSISTANT COMMISSIONER ARIEL RONQUILLO

CHAIRMAN FRANCISCO DUQUE

CIVIL SERVICE COMMISSION

DEPARTMENT OF HEALTH

DUQUE

MEMORANDUM CIRCULAR

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PUNONG EHEKUTIBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with