^

Bansa

Pamilya ng OFW tatamaan sa ‘zero remittance’ - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Malacañang na hindi ang gobyerno ang maaapektuhan sa binabalak na “Zero Remittance Day for Zero Pork” protest ng mga OFWs kundi ang kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, malaya ang sinumang OFW na maghanap ng paraan upang ipabatid ang kanilang damdamin sa gobyerno pero sa planong ito ng Migrante International ay ang pamilyang OFW ang siyang tatamaan ng kanilang balak na zero remittance.

Sabi ni Valte, personal choice ng mga OFWs na nasa abroad kung nais nilang makiisa sa ikinakasang zero remittance protest ng Migrante sa darating na September 19.

Ayon sa Migrante, nasa 10,000 hanggang 50,000 na OFWs sa ibat ibang panig ng mundo ang nakatakdang makiisa bilang protesta nila sa paglustay ng ilang mambabatas sa kaban ng bayan sa kanilang pork barrel kasunod ng paglutang ng mga whistleblowers laban sa negosyanteng si Janet-Lim Napoles na umano’y utak sa anomalya sa PDAF.

Ang protesta ng mga OFWs kontra PDAF ay itinakda sa nasabing araw dahil kasabay ito ng anibersaryo ng Overseas Workers Welfare Assistance Omnibus Policies kung saan nakapaloob sa patakaran na kailangan magbigay ng $25 kontribusyon ang mga OFWs bago magtrabaho sa ibang bansa.

vuukle comment

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

IGINIIT

JANET-LIM NAPOLES

MALACA

MIGRANTE INTERNATIONAL

OVERSEAS WORKERS WELFARE ASSISTANCE OMNIBUS POLICIES

ZERO PORK

ZERO REMITTANCE DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with