^

Bansa

Enrile nagbitiw bilang pangulo ng Senado

Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Gumawa na naman kahapon ng kasaysayan  si Se­nate President Juan Ponce Enrile bilang kauna-unahang lider ng Senado na nagbitiw sa puwesto isang  araw bago matapos ang sesyon ng 15th Congress.

Sa kanyang talumpati bago ihayag ang kanyang “irrevocable resignation,” hindi itinago ni Enrile ang kanyang sama ng loob sa naranasang pambabatikos at mag-isang pagsalag sa mga isyung ibinato sa Senado bago magsimula ang kampanya para sa 2013 senatorial election.

Sinabi ni Enrile na siya ang napagbalingan ng galit ng publiko na nag-ugat sa pagkuwestyon sa budget ng Senado lalo na tungkol sa sinasabing karagdagang maintenance and other ope­rating expenses (MOOE) ng Senado.

Ayon pa kay Enrile mag-isa rin niyang pinasan ang galit ng apat niyang mga kasamahan sa Senado na hindi nakatanggap ng karagdagang MOOE kahit siya mismo ay hindi rin tumanggap nito.

Matatandaan na bago magsimula ang campaign period, naging isyu ang hindi pagtanggap ng MOOE nina Senators Miriam Defensor-Santiago, Antonio Trillanes, Alan Peter Cayetano, at Pia Cayetano.

Maliban umano sa ilang senador, sinabi ni Enrile na  mas pinili ng iba niyang kasamahan sa Senado na dumistansiya at pabayaan siyang sagutin ang isyu.

Hindi rin umano natapos ang kontrobersiya sa MOOE o sa budget ng Office of the Senate President dahil natuon naman ang pansin ng publiko sa alokasyon ng napakaraming congressional oversight committees na hindi naman siya ang lumikha.

Ikinuwento pa ni Enrile na mismong si Senator Franklin Drilon na chairman ng Finance Committee ang tumawag sa kanyang atensiyon at inihayag na sakit sa ulo ang apportionment ng chairmanship ng mga oversight committees.

Ipinunto pa ni Enrile na hindi matatapos ang Senado sa kanya dahil may sarili itong dangal at integridad.

Idinagdag ni Enrile na ang kanyang record bilang public servant at ang kanyang performance bilang senador at bilang Senate President ay ipinauubaya na niya sa paghusga ng mga mamamayan.

Matapos ang maramdaming talumpati ni Enrile inihayag na nito ang kanyang irrevocable resignation at bumababa sa rostrum ng plenaryo.

Nagsagawa ng isang caucus ang mga senador matapos umalis si Enrile sa plenaryo kung saan sinunod ang rules ng Senado na nagsasaad na maaring maging acting president ang tumatayong Senate President Pro-tempore na nagkataong si Senator  Jinggoy Estrada.

Isinalang rin ng mga senador sa ikatlo at huling pagbasa ang mga panukalang batas na nakasama sa calendar of business.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

ENRILE

FINANCE COMMITTEE

JINGGOY ESTRADA

KANYANG

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with