^

Bansa

Seguridad sa ‘Miting’ sa Taguig pinaigting

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigpit na seguridad ang ipapatupad ng pu­lisya sa gaganaping Mi­ting De Avance ng magkalabang political party sa Taguig.

Sinabi ni Taguig Police Chief Sr. Superin­tendent Arthur Felix Asis na magtatalaga sila ng sapat na mga pulisya para matiyak na walang mangyayaring gulo sa miting de avance.

Hinihikayat din ni Asis ang mga partido pulitikal na bantayan at gawing responsable ang kanilang hanay.

Kaugnay nito ay nagbabala si Asis sa mga nais manggulo na huwag na nilang ituloy ang kanilang mga balakin.

Magugunitang matapos ang kaguluhan no­ong Sabado sa pagitan ng mga supporter ni Mayor Lani Cayetano at Rica Tinga ay hiniling ng huli sa Commission on Elections na isailalim ang lungsod bilang area of concern subalit kinontra ito ng Philippine Na­tional Police at maging ng Ma­lakanyang.

Kahapon sa dayalogo na pinamunuan ng Parish Pastoral council for Responsible Voting o PPCRV para sana magkaayos ang  magkatunggaling partido sa Taguig, hindi sumipot sina Rica Tinga at mga kaalyado.

Ang tanging dumating ay ang kampo ni Mayor  Cayetano na nagbigay ng commitment na susuporta sa mapayapa at malinis na eleksyon.

Inihayag din ng alkalde ang kanyang pag-asa na wala ng magaganap na katulad na insidente.

Idinagdag pa ni Mayor Lani na siya’y nalungkot sa di-pagdalo ng kampo ng mga Tinga sa dayalogo, katulad ng di-pagsipot nito sa peace co­ venant.

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

ASIS

DE AVANCE

MAYOR LANI

MAYOR LANI CAYETANO

PARISH PASTORAL

PHILIPPINE NA

RICA TINGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with