^

Bansa

‘Oplan Ligtas Kuwaresma’ larga

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilunsad kahapon ng pamunuan ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) sa pakiki­pagtulungan ng Toll Regu­latory Board (TRB) at Caltex ang Oplan Ligtas Kuwaresma na tinawag na â€œSafe trip mo, Sagot ko for Holy Week” na aa­ la­lay sa mga motorista na dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at Ma­­nila-Cavite Expressway.

Sa isang press conference sa QC, sinabi ni Raul Ignacio, VP for cons­truction and engineering dep’t ng MNTC, ang naturang proyekto ay layu­ning ayudahan ang mga motorista sa bigat ng trapiko sa naturang mga expressways sa panahon ng Kuwaresma.

May 24/7 silang mga dagdag na mga tauhan para magbantay at mag-roving sa mga lan­sangan ng expressways para asistihan ang mga biyahero. May mga naka­antabay din silang mga mekaniko sa mga papalya ang sasakyan, may ilalagay na mga traffic information signs at may naitalagang medical stations na aalalay naman sa mga mahihilong mga motorista. Tigil din muna ang mga pagawain sa mga kalsada sa naturang mga expressways sa panahon ng Kuwaresma.

Ang MNTC anya ay patuloy ang koordinasyon sa PNP, MMDA at local govt units para sa ligtas na paglalakbay ng mga motorista sa Semana Santa.

Niliwanag naman ni TRB exec. director Edmundo Reyes Jr. na pa­tuloy pang binubusisi ng ahensiya ang toll hike petitions ng mga toll ope­rators kayat makakaasa ang mga motorista na walang pagbabago sa mga bayarin sa tollways.

Tuwing Holy Week ay umaabot sa 200,000 motorista ang dumadaan sa NLEX, 35,000 sa SCTEX at 90,000 sa Cavitex.

vuukle comment

CAVITE EXPRESSWAY

EDMUNDO REYES JR.

HOLY WEEK

KUWARESMA

MANILA NORTH TOLLWAYS CORPORATION

NORTH LUZON EXPRESSWAY

OPLAN LIGTAS KUWARESMA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with