^

Bansa

Human Rights Act lalagdaan sa EDSA anniv.

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasabay sa pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ang paglagda sa Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013.

Ayon kay Presidential Communications Ope­rations Office Secretary Sonny Coloma, magi­ging sentro ng pagdiriwang ang People Power Monument na nasa kabahaan ng EDSA.

Layunin din umano ng lalagdaang batas na opisyal na kilalanin ng gobyerno ang naganap na karahasan at kalupitan sa mga mamamayan at ang pagbibigay sa kanila ng karampatang kompensasyon.

Partikular na maki­kinabang sa lalagdaang batas ang mga naging biktima noong panahon ng Martial Law.

Kahapon opisyal na nagsimula ang tatlong araw na selebrasyon ng paggunita sa People Power I sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony sa Libingan ng mga Bayani na pinangunahan ni dating Pangulong Fidel Ramos na isa rin sa mga tinatanghal na bayani ng EDSA. 

Ang main program ay idaraos sa darating na Lunes at ang sentro ng mga pagdiriwang ay sa People Power Monument.

 

vuukle comment

AYON

HUMAN RIGHTS VICTIMS REPARATION AND RECOGNITION ACT

MARTIAL LAW

OFFICE SECRETARY SONNY COLOMA

PANGULONG FIDEL RAMOS

PEOPLE POWER I

PEOPLE POWER MONUMENT

PEOPLE POWER REVOLUTION

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with