^

Bansa

DENR kinastigo ng Kongresosa Mla. Bay reclamation project

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasabon ng mga kongresista ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos nitong payagan ang reclamation project sa Manila bay.

Ito’y matapos magreklamo ang mga residente ng Las Piñas na pinangungunahan ni dating Congresswoman Cynthia Villar.

Sa pagtatanong ng mga kongresista na miyembro ng House Committee on Natural Resources, lumalabas na hindi idinaan sa konsultasyon ang proyekto na ginawa ng iilang lokal na opisyal ng naturang lungsod.

Giit ni Villar dapat na ipatigil ng kongreso ang proyekto dahil ito ay labag sa batas.

Lumalabas din umano sa pag-aaral na kapag pinaboran ang reclamation sa Las Piñas, mas mara­ming residente ang mamamatay sa baha dahil wala naman umanong dadaanan ang mga tubig lalo na kapag malakas ang ulan at bagyo.

Si Gng. Villar ay isa sa mga tumututol sa planong reklamasyon dahil bukod sa wawasakin nito ang critical habitat sa naturang mga lugar ay maapektuhan din ng reklamasyon ang kabuhayan ng mga mangingisda.

Batay sa resulta ng pag-aaral, sakaling magkaroon uli ng bagyong tulad ng Ondoy, ay tiyak na ang 65 barangay mula sa Las Piñas, Parañaque at Bacoor ay babahain sa lalim na 0.15 metro hanggang 5.12 metro. (Ang limang metro ay katumbas halos ng dalawang palapag na gusali o establisimyento.)

Napagkasunduan din sa komite na repasuhin ang Environmental Compliance Certificate (ECC) at agad itong kanselahin sa sandaling mapatunayang may paglabag sa pag-iisyu nito.

vuukle comment

BACOOR

BATAY

CONGRESSWOMAN CYNTHIA VILLAR

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENVIRONMENTAL COMPLIANCE CERTIFICATE

HOUSE COMMITTEE

LAS PI

NATURAL RESOURCES

SI GNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with