^

Bansa

Arraignment sa Sandiganbayan… GMA ‘not guilty’

Angie dela Cruz at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Sandiganbayan na mismo ang naghain ng not guilty  plea para sa dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo (CGMA) sa arraignment kahapon  kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder hinggil sa maano­malya umanong paggastos sa P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

May karapatan ang graft court na sila mismo ang magpasok ng plea sa sinumang  respondent na ayaw  magbigay ng tugon sa mga alegasyon tulad ng ginawa ni CGMA na naging tikom ang bibig kaugnay ng kaso.

Kaugnay nito, itinakda ng Sandiganbayan sa December 3 ang preliminary conference sa kaso ng da­ting pangulo.

Si Mrs. Arroyo ay nagtungo sa Sandiganbayan kasama ang asawang si dating first gentleman Miguel Arroyo, anak na sina Luli, Dato at Mikey Arroyo.

Bago ito, maagang nagtipun-tipon sa harapan ng gusali ng Sandiganbayan ang mga pro at anti-protesters ni CGMA.

Samantala, pumalpak ang Korte Suprema sa pagbibigay ng interpretasyon hinggil sa inilabas na Temporary Restraining Order (TRO), may kaugnayan sa kasong plunder na kinasasangkutan ni dating pangulong Arroyo.

Ito ay matapos na magpalabas ng paglilinaw si Atty. Gleo Guerra, taga­pagsalita ng Supreme Court, na nagsasabing hindi kabilang si CGMA sa October 24, 2012 TRO na inilabas ng SC.

Sinabi ni Guerra, ang TRO ay para lamang kay dating COA region 5 head Nilda Plaras na kasama rin sa mga isinasangkot sa plunder kaugnay ng maling paggamit sa intel fund ng PCSO.

Kahapon ng umaga, una nang nagpadala ng mensahe si Guerra sa mga mamamahayag kung saan sinabi nito na kasama si CGMA sa mga nakinabang sa inilabas na TRO kaugnay sa petisyon ni Plaras ngunit binawi rin ito pagsapit ng hapon.

vuukle comment

ANG SANDIGANBAYAN

GLEO GUERRA

GUERRA

KORTE SUPREMA

MIGUEL ARROYO

MIKEY ARROYO

MRS. ARROYO

NILDA PLARAS

PAMPANGA CONGRESSWOMAN GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with