P-Noy sinaluduhan vs 'Lazarus franchises'

MANILA, Philippines - Inihayag ni Samar Rep. Ben Evardone na malaking tagumpay para kay Pangulong Benigno Aquino III ang pagsawata ng kanyang administrasyon sa tangkang pagpapalusot sa prangkisa ng mahigit na 500 provincial bus franchises na una nang tinanggalan ng prangkisa.

Ayon kay Evardone, dalawang miyembro ng three-person board ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board ang nagbalik sa 489 bus franchises na una nang idineklarang expired.

Sinuspinde ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Mar Roxas ang nasabing mga franchises, kasabay ng pagpapaim­bestiga sa tinaguriang “Lazarus franchises.”

Sina LTFRB board members Manuel Iway at Samuel Garcia ang sinasabing nasa likod umano ng pagbibigay ng prangkisa sa Pantranco North Express Inc., sa kabila ng pagtutol ni LTFRB Chairman Jaime Jacob. Ang dalawa ay nagbitiw sa puwesto matapos umano silang hamunin ni Sec. Roxas.   

Show comments