Manila, Philippines - Walang plano ang Malacañang na bigyan ng state burial ang yumaong comedy king Dolphy.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang binibigyan lamang ng state funeral ay ang mga yumaong lider ng bansa, mga national artists at mga sundalo.
Sinabi ni Usec. Valte, hindi rin ilalagay sa half-staff o half-mast ang watawat ng bansa kaugnay sa pagpanaw ng comedy king.
Wala ring isasagawang ‘moment of silence’ ang Palasyo dahil sa pagpanaw ng hari ng komedya.
“No flag at half staff. Also no moment of silence. Emphasis on celebrating Mang Dolphy’s life and not his passing,” giit pa ni Valte.
Magugunita na idineklara ni Pangulong Aquino ang July 13 bilang National Day of Remembrance para kay Dolphy habang kinokonsidera na ideklara ang National Day of Mourning sa libing ng Comedy King sa Linggo, Hulyo 15.