2 barko ng China inatras
- Ni Ellen Fernando () - June 6, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines – Iniatras na ng China ang kanilang dalawang maritime vessels at isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Pilipinas sa lagoon ng pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal sa Bajo de Masinloc.

Kinumpirma kahapon ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na matapos ang konsultasyon, dalawang Chinese vessels at barko ng pamahalaan ang umalis na sa lagoon ng pinag-aawayang shoal.

Ayon kay Hernandez, bagaman may mga umatras nang barko ng China at isang BFAR ship, nananatili naman ang walo pang Chinese ships at dalawa pang Phl ships sa labas ng lagoon.

Nagsimula ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China matapos ang pagdagsa ng  mga Chinese fishing vessels sa Bajo de Masinloc kung saan tinangkang arestuhin ng Philippine Navy noong Abril ang nasabing mga mangingisdang Intsik na ilegal na nangingisda sa naturang lugar.

ABRIL AYON BAJO BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ HERNANDEZ MASINLOC PANATAG SHOAL PHILIPPINE NAVY PILIPINAS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with