^

Bansa

M'cañang mas interesado sa halaga ng $ account ni Corona hindi sa dami

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Hindi mahalaga kung ilan ang dollar account ni impeached Chief Justice Renato Corona dahil ang mas mahalaga umano ay kung magkano ang laman ng mga ito.

Ito ang sinabi kahapon ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte sa gitna ng pahayag ng depensa na apat lamang at hindi 82 ang dollar accounts ng Punong Mahistrado.

“It doesn’t matter whe­ther they’re four, whether they’re three or whether they’re 82. What’s important is what’s in them. Magkano ba ‘yung amount that are in those,” paha­yag ni Valte.

Kung totoo umanong apat lamang ang accounts ni Corona, dapat pa ring malaman kung magkano ang laman ng nasabing dollar accounts.

Pero ipinaalala rin ni Valte ang sinabi ng presidente ng Philippine Savings Bank na sa kanilang bangko pa lamang ay may lima ng dollar account ang Chief Justice.

Hindi rin umano da­pat pang i-crack ng mga abogado ni Corona ang dollar deposits ng kanilang kli­yente at sa halip ay dapat tanungin na lamang nila ito.

Idinagdag ni Valte na ang dapat matanong ang simpleng tanong kung magkano ang deposito ni Corona at hindi na dapat pagtuunan ng pansin ang bilang ng mga accounts.  

vuukle comment

ABIGAIL VALTE

CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DEPUTY PRESIDENTIAL

IDINAGDAG

MAGKANO

PHILIPPINE SAVINGS BANK

PUNONG MAHISTRADO

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with