^

Bansa

Pinoy seaman pinalaya, 3 bihag pa

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Sa barkong hinarang sa Iran

MANILA, Philippines — Asahang makakauwi na ng bansa ang isang Pinoy na kabilang sa pitong crew member ng container ship na MSC ­Aries na pinalaya ng Iranian authorities.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kabilang ang Pinoy sa pinalaya kasama ang limang Indian nationals, at isang Estonian.

Pinasalamatan ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at ang mga tauhan nito na hindi tumitigil na magawan ng paraan upang mapalaya maging ang tatlo pang Pinoy na nananatili sa nasabing barko na hawak pa ng Iranian govt.

“The DMW will continue working with the DFA, the ship agent, and licensed manning agency to secure the release of the three Filipino crewmen who remain in the custody of Iranian authorities,” ani Cacdac.

Matatandaang Abril 13, 2024 nang harangin at kontrolin ng Iranian authorities ang Portuguese-flagged MSC Aries habang naglalakbay sa Strait of Hormuz, malapit sa Gulf of Oman, dahil sa sinasabing nakaugnay ito sa Israel. Apat ang Pinoy sa 25 tripulante nito.

Una nang napaulat ang pagtaas ng tensiyon sa pagitan ng Iran at Israel dahil sa pag-atake ng huli sa Iranian consulate sa Syria noong Abril 1, na ikinamatay ng ilang Iranian military advisors, kabilang ang dalawang IRGC senior commander.

vuukle comment

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with