^

Bansa

Warlords pinulbos sa ARMM

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Tapos na ang paghahari ng mga abusadong opisyal sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) pati na ang pagmamantini ng mga private armies ng mga warlords.

Ito ang siniguro ni ARMM Governor Mujiv Hataman matapos ilunsad kahapon ang kauna-una­hang Open Governance System web portal sa bansa bilang highlight ng kanyang unang 100 araw sa tungkulin.

Tiniyak din ni Hataman na wala nang makapagsasamantala sa pondo ng rehiyon katulad noong araw sa pamamagitan ng bagong sistemang ini­lunsad.

Ang portal na nag­la­laman ng badyet, mga proyekto at gastusin ng lahat ng mga ahensya at pampublikong tanggapan sa ARMM ay pinasinayahan nina OIC Governor Hataman, Presidential Political Adviser Ronald Llamas, Senator TG Guingona at Mindanao Council head Lu Antonino.

Ayon kay Hataman, layon ng Open Governance System portal na isulong ang transparency o kawalan ng itinatago at accountability sa ARMM. Anya’y nanguna na ang ARMM sa adhikaing ito.

“This is a far cry from the old ARMM where corruption thrived down to the lowest levels of government,” ani Hataman patungkol sa ARMM Kiosk na itinayo sa Cotabato City, kung sa’n pwedeng i-access ang mga detalye ng pamamahala at gastusin sa rehiyon.

Bukod sa ARMM Kiosk ay maaari ring malaman ng madla ang mga proyekto sa ARMM sa pamamagitan ng pag-access sa ARMM website sa internet address na www.armm.gov.ph.

“It is our hope that this innovative experiment in open governance would seep down the local levels and be replicated in other regions of the country, as part of the Aquino administration’s thrust towards daang matuwid or the straight path,” wika ng gobernador.

Una rito ay ipinatupad ni Hataman ang “No Gun Zone” o pagbabawal na magpasok ng armas sa kapitolyo ng ARMM.

Sa ilalim ng bagong patakaran ng ARMM, ipapadeposito muna sa mg tauhan ng pulisya ang lahat ng armas ng mga sibilyan o opisyal na papasok sa kapitolyo.

Layunin umano nitong tuluyang walisin ang militarisasyon na nagiging dahilan ng mga posibleng banggaan ng puwersa ng mga private armies at matugunan na rin ang problema ng loose firearms.

Sakop ng ARMM ang Sulu, Basilan, Tawi-tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

vuukle comment

ARMM

AUTONOMOUS REGION

COTABATO CITY

GOVERNOR HATAMAN

GOVERNOR MUJIV HATAMAN

HATAMAN

LU ANTONINO

MINDANAO COUNCIL

OPEN GOVERNANCE SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with