^

Bansa

Gobyerno tutulong hanggang may nagugutom na Pinoy – Romualdez

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Hindi titigil ang gobyerno na tumulong hanggang may Pilipinong nagugutom,” paniniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa isang panayam sa Zamboanga City noong Biyernes.

Kasama ang higit 90 mga kongresista, namahagi si Romualdez ng milyun-milyong pisong cash assistance at tone-toneladang bigas sa mga taga-Zamboanga City sa ilalim ng Serbisyo Fair Program ni Pang. Marcos.

Ayon kay Romualdez,” di ba ito ang pangako ng administrasyong Marcos na walang maiiwan dahil sabay-sabay baba­ngon? kaya this is it.”

Bukod sa pamamahagi ng 25 kilo na bigas sa libu-libong dumalo sa Bagong Pilipinas Fair ng pamahalaan, may tig-P3,000 cash pa ang bawat pamilya na naroon.

“Pansamantala lang naman itong pamimigay natin ng cash at bigas sa bawat pamilya habang naghahanap ang gobyerno ng permanenteng solusyon para maibsan ang kagutuman ng mga mahihirap na mga kababayan natin,” ani Romualdez.

Pati ang ilang daang estudyante ay nabigyan ng P15,000 cash para sa kanilang mga pangangailangan sa paaralan.

“Ang Kongreso po ay laging maglalaan ng pera para sa mga kababayan natin na hindi lang mga mahihirap, pati mga estud­yante,” dagdag pa ng House Leader.

Namahagi rin ng puhunan para sa small businesses si Romualdez na bahagi pa rin ng Serbisyo Fair ng pamahalaan.

vuukle comment

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with