^

Bansa

Anak ng vice mayor, ex-police officer sabit sa sindikato ng LPG

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Isang anak ng vice-mayor at isang retired police chief inspector ang umano’y nasa likod ng malawakang sindikato na nagbabawas ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa Metro Manila at Central Luzon.

Ito ang ibinunyag ni LPG-Marketers Association (LPG-MA) Rep. Arnel Ty kasabay ng pagsasabi na ninanakaw ng sindikato ang cylinders ng mga lehitimong LPG traders mula sa open market at saka ito lalagyan ng kulang at ibebenta.

Idinagdag pa ni Ty na siya ring miyembro ng House Committee on public order and safety, kanila na ring iniimbestigahan ang ulat na sangkot din ang naturang grupo sa hijacking ng fuel tanker trucks sa Bataan at Pampanga.

Giit pa ng Kongresista, kinilala na ng National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang anak ng  vice mayor at retired officer na siyang nagpapatakbo ng sindikato ng LPG refilling stations sa Metro Manila, Bulacan at Bataan.

Karaniwan umanong nabibiktima at nadadaya ng nasabing sindikato ang mga consumers na hindi kayang bumili ng 11-kilogram cylinder.

Samantala, umaasa na­man si Atty. Miguel Ponce Jr., chief of staff ni Ty, sa mabilis na aksyon mula sa CIDG’s Anti-Fraud Division upang mapuksa ang sindikato na siya ring itinuturong pinanggagalingan ng death threats ng kongresista.

vuukle comment

ANTI-FRAUD DIVISION

ARNEL TY

CENTRAL LUZON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

HOUSE COMMITTEE

LIQUIFIED PETROLEUM GAS

MARKETERS ASSOCIATION

METRO MANILA

MIGUEL PONCE JR.

NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with