Bagong SG, PLLO nanumpa kay Aquino

MANILA, Philippines - Nanumpa kay Pa­ngulong Benigno Aquino III sa Malacañang ang bagong Solicitor-General na si Francis Jardeleza at dating Cagayan Valley Rep. Manuel Mamba bilang presidential adviser for legislative affairs.

Nanumpa din kay Pangulo ang may 30 appointees kabilang si AFP chief Jessie Dellosa sa ginanap na mass oath-taking ceremony kahapon sa Palasyo.

Pinalitan ni Mamba si PLLO chief Antonio Roman, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Bukod dito, 71 hene­ral naman sa Philippine National Police (PNP) kabilang si CIDG chief Director Samuel Pagdilao Jr. ang pinanumpa ni PNoy.

Habang 25 namang bagong heneral sa hanay ng AFP ang nanumpa din kay Pa­ngulo sa simpleng mass oath-taking cere­mony.

Show comments