Lagman 'di lilipat kay PNoy

MANILA, Philippines - Walang plano si outgoing Minority Leader Edcel Lagman na lumipat sa kampo ni Pangulong Noynoy Aquino matapos itong kumalas sa opisisyon.

Sinabi ni Lagman na hindi rin siya sasapi sa Mayorya sa Kamara kahit may feelers sa kanya na umanib sa administrasyon.

Mananatili na lamang umanong independent si Lagman at mananatiling kritiko ng mga polisiya ng administrasyon kung kinakailangan.

Naniniwala din ang mambabatas na hindi magiging maayos ang relasyon niya sa administrasyon kung sumapi siya dito dahil siya ang utak ng petisyon sa Korte Suprema na humadlang sa ilang polisiya ng administrasyon.

Matatandaan na nanalo sa Korte si Lagman kontra sa administrasyon sa isyu ng Truth Commission.

Kinuwestiyon din nito sa Mataas na Hukuman ang pagpapaliban ng ARMM polls at pagtatalaga ng acting officials dito habang may petisyon din siya kontra sa GOCC Governance Act.

Show comments