^

Bansa

Pinoy na sangkot sa droga sa ibang bansa 'wag nang tulungan - solon

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Ibasura dapat ng gobyerno ang anumang tulong sa mga Filipinong nasasangkot sa kasong illegal drugs sa ibang bansa.

Sinabi ni Western Samar Rep. Mel Senen Sar­miento na putulin na ang pagtulong at bigyan ng ma­lamig na trato ang mga Pinoy na nahahatulan dahil sa kasong drug trafficking sa bansa, kabilang na riyan ang mga nagpapairal ng death penalty.

Ayon kay Rep. Sar­miento­, naangkop ang legal assistance sa mga Pilipino sa panahong nililitis pa lamang ang kaso su­balit kung mapatutunayan nang guilty ay marapat nang dumistansya ang gobyerno.

Ipinunto ni Sarmiento na bagamat obligasyon ng pamahalaan na tulungan ang mga nangangailangan ay mas mabigat ang responsibilidad ng estado na protektahan ang mga mamamayan nito laban sa ilegal na droga.

Naniniwala pa ang kongresista na posibleng ma­kulayan at mangahulugan ngayon na ang mga Filipino narco-traffickers ang nagiging biktima sa halip na sila ang mga gumawa ng heinous crime na sumisira rin sa mas maraming buhay.

vuukle comment

AYON

FILIPINONG

IBASURA

IPINUNTO

MEL SENEN SAR

NANINIWALA

PILIPINO

PINOY

WESTERN SAMAR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with