Corona gustong ipa-impeach

MANILA, Philippines - Balak ng isang mambabatas na ipa-impeach si Chief Justice Renato Corona kung hindi ito mag-i-inhibit sa paghawak ng mga kasong kinasasangkutan ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Sinabi ni Akbayan partylist Rep. Kaka Bag-Ao na hinihintay na lamang umano nila ang deklarasyon ni Corona para sa kanilang magiging hakbang.

Kung tatanggihan umano ng Punong Mahistrado ang panawagan na mag-inhibit ito ay kaagad silang maghahain ng impeachment complaint sa Kamara laban dito at ang ground nito ay Betrayal of public trust.

Paliwanag pa ni Bag-Ao, hindi mapapagkatiwalaang magiging patas si Corona sa pagdedesisyon sa usaping may kaugnayan kay GMA dahil sa close relationship ng dalawa. Halatang-halata naman umano na kinikilingan ni Corona si GMA dahil sa 19 na kaso na naisampa sa Korte Suprema kung saan sangkot ang Arroyo administration at si GMA ay 15 dito ang pinaboran ng Punong Mahistrado.

Bukod dito, si Corona ay naging chied of staff, taga­pagsalita at acting executive secretary ni GMA noong Bise Presidente at Presidente na si Arroyo.

Show comments