^

Bansa

PNP naka-alerto sa 'Clinton visit'

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nakaalerto na ang pulisya sa pagpatupad ng mahigpit na seguridad kaugnay ng 2-day visit ni US Secretary of State Hillary Clinton sa bansa.

“Ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office ay magiging alerto ngayon (Martes) at sila po ay bibigyan ng direktiba para mag-conduct ng masinsinang beat and mobile patrol”, pahayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr.

Nabatid na pakay ng  pagbisita ni Clinton ay ang pagtibayin ang ugnayan ng dalawang magkaalyadong bansa sa ilalim ng RP-US Mutual Defense Treaty na magdaraos ng ika-60 taong pagkakatatag.

Samantalang nakatakda ring makipagkita si Clinton sa mga opisyal ng pamahalaan sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas umpisa Miyerkules at Huwebes bago ito tumulak patungong Thailand para naman bisitahin ang mga nasalanta ng matinding pagbaha doon.

Ayon kay Cruz, nakalatag na ang lahat ng seguridad upang tiyakin na magiging mapayapa at maayos ang Hillary visit.

Inihayag naman ni Cruz na pangungunahan ng Presidential Security Group ang pagbibigay ng seguridad sa nasabing pagbisita ng US official.

Pangunahing babantayan ay ang mga grupong magsasagawa ng kilos protesta  at nakatutok rin ang PNP sa mga banta sa seguridad bagaman walang grupo ng mga lokal na terorista ang namonitor na magsasagawa ng pananabotahe.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

AYON

CLINTON

CRUZ

HILLARY

MUTUAL DEFENSE TREATY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

SECRETARY OF STATE HILLARY CLINTON

SPOKESMAN CHIEF SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with