^

Bansa

Top sniper ng Army tinanggalan ng laman-loob, tinadtad ng taga ng MILF

- Joy Cantos -

“Hustisya!”

MANILA, Philippines -  Ito ang  sigaw kahapon ng pamilya ni Pfc. Roberto Ricafranca, isa sa top sniper ng Philippine Army na tinanggalan ng laman-loob at tinadtad ng taga matapos na mabihag ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ambush sa Al Barka, Basilan noong Oktubre 19 na ikinasawi ng 19 sundalo.

Kinumpirma ng mga kaanak nito na hindi “killed in action” si Ricafranca dahilan brutal itong pinaslang ng MILF kasama ang lima pang sundalong buhay pa ng bihagin ng nasabing rebeldeng grupo.

Ayon sa kapatid ni Ricafranca na si Sgt. Michael Ricafranca, tinadtad ng taga, kinuha ang laman-loob at halos hindi na makilala ang kanyang nakababatang kapatid na si Roberto nang matagpuan ito sa Al Barka.

Samantala kinumpirma naman ng isa sa dalawang sugatang nakatakas na hostage ng MILF na si Pfc. Michael Natividad na buhay silang binihag ng MILF pero brutal na pinatay ang 6 niyang kasamahan.

Si Roberto ay positibong nakilala lamang ng kaniyang pamilya sa pamamagitan ng tattoo nito at peklat sa paa.

Naniniwala si Michael na matindi ang galit ng MILF rebels sa kanyang kapatid dahil napatay nito sa mga naunang military operation ang isang Commander ng Abu Sayyaf na kaalyado ng MILF.

Ngunit naniniwala rin ito na bago namatay ang kapatid, may napatay din itong mahigit sa 10 miyembro ng MILF dahil isa itong sharpshooter at naging Top 1 sa kanyang sniping class noong 2007.

Ang 32-anyos na si Roberto ang tanging sniper na napasama sa grupo ng mga nasawing sundalo kung saan nasa military service rin ang dalawang kapatid nito.

May pagkakataon sana itong tumakas ngunit nagpaiwan ito at iniligtas ang sugatang pinsan na si Pfc. Alex Ricafranca na pinatakas kasama ang iba pa nilang mga kasamahan matapos makorner sa ambush ng nagsanib puwersang Abu Sayyaf at MILF re­bels.

vuukle comment

ABU SAYYAF

AL BARKA

ALEX RICAFRANCA

MICHAEL NATIVIDAD

MICHAEL RICAFRANCA

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PHILIPPINE ARMY

RICAFRANCA

ROBERTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with