^

Bansa

Smuggling, hoarding ng agricultural products, tuloy - Agap Partylist

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Kung walang makakasuhan

MANILA, Philippines — Magtutuluy-tuloy lamang ang smuggling, hoarding at cartel ng mga agricultural products sa bansa kung walang makakasuhan.

Ito ang paniniwala ni Agap partylist Rep. Nick Brio­nes kaya wala rin umanong saysay ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na habulin at panagutin ang mga sangkot sa smuggling ng mga agricultural products sa bansa.

Ayon kay Briones, magpapatuloy pa rin ang mga iligal na gawain dahil may mga sangkot na opisyal umano ng pamahalaan na nagtatanggol sa mga ito.

Sa katunayan, walang nangyari sa naipasang Anti-agricultural smuggling act dahil may mga probisyon dito na pabor sa mga smuggler, hoarder, profiteer at cartel kung saan ang Bureau of Customs ang nangunguna sa nasabing batas.

Dahil dito, nahihirapan ng lubos ang mga magsasaka gayundin ang mga consumers kaya gumawa sila ng panibagong batas na tatanggalin ang BOC bilang miyembro ng national council at enforcement group.

Hindi na makakasama ang BOC sa mga magsasagawa ng imbestigasyon, manghuhuli at magsasapa ng kaso sa mga smugglers dahil lumalabas na ang ilan sa mga ito ay kasabwat.

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with