Tribal chief umalma sa akusasyong 'bayaran'

MANILA, Philippines - Kinondena ng babaeng tribal chieftain sa Danlag, Tampakan, South Cotabato na si Bai Dalena Samling ang paratang ng makakaliwang grupo na binayaran ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ang mga katutubong dumalo sa inorganisa ng Simbahang Katoliko na pampublikong konsultasyon kaugnay sa copper-gold project sa kanilang ancestral domain.

Ito ang mariing sinabi ni Samling sa pahayag sa radyo ni Makabayan Socsksargen chair Katherine Cortez na binayaran sila ng kakarampot na pera ng SMI bilang pamparami sa konsultasyong isinagawa sa Koronadal City kamakailan.

“Ganyan sila mang-insulto sa aming mga katutubo pero sasabihin ko sa inyo, mas batid naming mga Blaan ang nararapat sa aming kinabukasan,” ani Samling.

Show comments