^

Bansa

Pag-atake sa mga bading sa Cebu ikinabahala

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Naalarma si Bayan Muna Rep. Teddy Casino sa pagpatay sa isang 50-anyos na bakla at ang pag-atake sa mga bading gamit ang mga pellet guns sa Cebu City kahapon.

Si Casino ang may akda ng House Bill 1483 o ang Anti-Discrimination Act of 2010 na naglala­yong iklasipika at parusahan ang krimen na discriminatory laban sa mga lesbians, gays, bisexual at transgenders o LGBT.

Umaasa si Casino na madaliang maaaresto ng kapulisan sa Cebu ang mga taong sangkot sa mga krimen na ito dahil hindi ordinaryong krimen ang mga nangyayari sapagkat ang motibo ng mga kriminal ay ang ‘di makatarungang panghuhusga at labis na galit at poot sa mga taong nabibilang sa third sex.

Napag-alaman naman ng Philippine LGBT Hate Crime Watch na may 103 na kaso ng hate crimes laban sa mga homoseksuwal mula pa noong 1996.

Ayon kay Casino, ang buong mundo ay naalarma na rin sa mga LGBT hate crimes kaya inaprubahan ng United Nations Human Rights Council ang isang reso­lusyon na humihikayat na pigilan ang mga krimen laban sa homosekswalidad sa lahat ng panig ng mundo.

vuukle comment

ANTI-DISCRIMINATION ACT

AYON

BAYAN MUNA REP

CEBU CITY

HATE CRIME WATCH

HOUSE BILL

SI CASINO

TEDDY CASINO

UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with