Anak ni FVR pumanaw

MANILA, Philippines - Isang anak na babae ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang pumanaw kahapon sa Medical City sa Pasig, ayon sa imporman­teng malapit sa dating presidente.

Napaulat na bandang ala-1:00 ng madaling-araw nang mamatay dahil sa sakit na lung cancer si Josephine ‘Jo’ Martines Ramos na isang singer at asawa ng aktor na si Lloyd Samartino.

Dati nang naoperahan ang batang Ramos para malunasan ang kanser pero hindi ito nakatulong.

Inilagak ang kanyang labi sa Kamagong Chapel ng Funeraria Paz sa Sucat, Parañaque City.

Ayon sa isang ulat, naghiwalay noong 2004 sina Lloyd at Jo. Meron silang isang anak.

Lima ang anak na babae ni G. Ramos sa asawang si Amelita.

Samantala, nagpaha­yag ng pakikiramay si Pangulong Benigno Aquino III kina da­ting Pangulo at Mrs. Ramos dahil sa pagpanaw ng kanilang anak.

“Ang pagmamahal at ta­gumpay ni Ms. Ramos sa mu­sika ay isang testimonya ng damdamin sa musika na namana niya sa kanyang ina; at sa athletics, lumahok siya sa national team na nagbigay ng parangal sa bansa sa SEA Games noong 1970s,” sabi ni Aquino.   

Show comments