PNoy may bagong ka-date

MANILA, Philippines - May bagong ka-date si Pangulong Aquino ng manuod ito ng reunion concert ng bandang Hotdog kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, hindi niya kilala ang nasabing babae na kasama ni PNoy pero kasama ito ng Pa­ngulo sa table kung saan naroon din ang mga Abad, Pagcor chairman Bong Naguiat, dating Sen. Mar Roxas at Energy Sec. Rene Almendras.

Nang tanungin si Ca­randang kung nag-enjoy ito ay sinagot nitong “I think they had a good time”.

Ayon sa source, ka­tam­taman ang height ng babae at hanggang balikat ang buhok at balingkinitan ang katawan.

Magugunita na naugnay na rin ang Pangulo sa kanyang hair stylist na si Liz Uy, sa investment broker na si Len Lopez at kay Valenzuela  Councilor Shalani Soledad.

Show comments