MANILA, Philippines - Napagwagian ng NBN 4 veteran brodkaster na si Joseph Parafina ang 4th Luzon Media billiard 9-ball tournament na ginanap sa Club 1 Bar and Billiard sa Olongapo City kahapon.
Naging mahigpit ang labanan sa pagitan nina Parafina at Harold Raymundo ng Mabuhay Newsweeky ng Bulacan sa kanilang championship match sa race to 7 match up series.
Nakaungos sa unang yugto ng labanan si Raymundo ng 3 beses na sunod na panalo nito bago nakahabol si Parafina hanggang sa tanghalin itong kampeon.
Tinanghal namang 2nd runner up si Sam Nielsen ng DZBB sa open division habang naging kampeon din si Henry Empenos ng Business Mirror kontra kay Jeff Tombado ng DZMM sa local division at naging 2nd runner up naman si Franco Regala ng Manila Bulletin.
Ang nasabing tournament ay ibinahagi nina SBMA Administrator Armand Arreza, Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr., Pangasinan Gov. Amado Espino, Pampanga Gov. Lilia Pineda, Bataan Gov. Tet Garcia, Tarlac Gov. Victor Yap, Ms. Malou Parpan ng Vista Travel and Tours/Rent-a-Car, Engr. Hercules Manglicmot, Yokohama Tire Phils, Mayor Adhebert Deloso, Mayor Oscar Rodriguez, Mayor Jose Angelo Dominguez, Mayor Jose Rodriguez, Mr. Lasse Hoerberg, Midnight Ramble & Billiard, Maj. Elpidio Manuel, By the Sea Resort (Olongapo).