^

Bansa

VP Binay naungusan si PNoy sa trust rating

Nila - Rudy Andal/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Naungusan na ni Vice President Jejomar Binay si Pangulong Noynoy Aquino sa pinakahuling survey ng Pulse Asia sa pinaka pinagkakatiwalaang mga opisyal sa bansa.

Lumilitaw na mas marami ang patuloy na nagtitiwala kay Binay na nakakuha ng 83 percent performance rating at 81% trust rating kumpara sa 74% performance rating at 75% trust rating ni Pangulong Aquino. 

Ang survey ay isinagawa ng Pulse Asia nitong Feb. 24 hanggang Marso 6, 2011 mula sa 1,200 respondents.

Naging positibo ang pagtingin ng taumbayan sa ginawang hakbang ni VP Binay ng matagumpay nitong hilingin sa Chinese government na ipagpali­ban ang pagbitay sa 3 Pinoy na may kasong drugs. 

Si House Speaker Feliciano Belmonte naman ang nakapagtala ng pinakamataas na rate mula sa hanay ng mga naging Speaker ng Kamara sa 50% nitong approval rate.

Si Senate President Juan Ponce Enrile ay nakakuha naman ng 56 % trust rating.

 

vuukle comment

BINAY

FEB

KAMARA

LUMILITAW

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PULSE ASIA

SI HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

SI SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with