17 pang Pinoy hinostage ng mga pirata!

MANILA, Philippines –  Muli na namang uma­take ang mga piratang Somali at hinayjack ang isang barko saka hinos­tage ang 17 tripulanteng Pinoy sa Muscat, North Arabian Sea kamakalawa.

Sa tinanggap na ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang 25 crew kasama ang 17 Pinoy ay sakay ng Greek-flagged MV Irene SL nang harangin ng mga armadong pirata sa karagatan habang naglalayag. Kasama rin sa mga dinukot ang pitong Greek at isang Georgian.

Wala pang natatanggap na komunikasyon ang mga awtoridad sa kinaroroonan ng nasabing barko at sa kondisyon ng mga crew.

Uma­abot na sa  138 Pinoy seafarers ang bihag ng mga Somali kabilang ang nasabing huling insidente ng hijacking kung saan napatay ang Pinoy na si Farolito Vallega.

Show comments