^

Bansa

Garcia idinepensa ni Mercy

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na walang sapat na ebidensya para kasuhan ng plunder ang da­ting comptroller ng Armed Forces of the Philippines na si ret. Major General Carlos Garcia.

Ginawa ni Gutierrez ang pahayag sa isang pagdinig sa Kongreso para panindigan ang report ng kanyang prose­cutor hinggil sa panganga­ilangang makipag-areglo kay Garcia sa isang plea bargaining agreement.

Sinabi ni Gutierrez na kinakailangan ang plea bargain na nilagdaan noong Pebrero 25, 2010 alang-alang sa interes ng bansa.

Iginiit pa niya na wa­lang kabulastugan dito at “masasabi namin sa inyo at isinusumpa rin namin sa Diyos na, kapag may kumita, tamaan na sana ng kidlat at mamatay.”

Idiniin pa niya na gina­gawa lang ng kanyang tanggapan ang trabaho nito. Pinuna niya na nililitis sila sa harap ng publiko dahil sa maling paratang nina dating Ombudsman Simeon Marcelo at dating Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio.

“Isang sulat ni Clarita Garcia ang pangunahing ebidensya na hindi naman sapat. Kaya nakipagtawaran kami at ipinasya naming kunin ang lahat ng makukuhang ari-arian,” sabi pa ng Ombudsman.

Sinasabi ni Clarita sa kanyang testimonya na laging tumatanggap ang asawa niyang si Carlos ng “gratitude money” para sa naaaprubahang kontrata sa military. Dahil sumasama sila ng kanyang mga anak sa mga pagbibiyahe ni Garcia sa ibang bansa, tumatanggap din sila ng hanggang $20,000 shopping money mula sa mga supplier.

Inamin niya ito sa isang opisyal sa United States nang makulong ang mga anak niyang sina Ian Carl at Juan Paolo sa San Francisco International Airport dahil sa pagpupuslit ng $100,000. Gusto sanang mabawi ni Clarita ang pera.

“Sa ebidensya kami humahabol. Nasa Sandiganbayan na ang desisyon kung tama o mali ang aming ginawa. Ang korte ang huling mangingibabaw,” sabi ni Gu­tierrez.

Gayunman, sumabat si Paranaque Rep. Roilo Golez at sinabing, “Paano naming matatanggap ang sinabi nyo? Parang walang Rabusa o Heidi. Kailangang ipihit ang pagdinig. Para maiugnay sa imbestigasyon ang pahayag nina Rabusa at Heidi.”

Tinutukoy ni Golez si Heidi Mendoza, isang da­ting empleyado ng Commission on Audit na nag-imbestiga sa mga gawain ni Garcia.

Gayunman, sinabi ni Gutierrez na hindi maiuugnay kay Garcia ang resulta ng imbestigasyon ni Mendoza.

Sinabi rin niya na ang pahayag ni Rabusa ay isa pa ring pahayag. “Bilang mga tagausig, kailangan pa rin ang dokumento na batay sa kanyang sinabi”

Lumitaw kamakailan sa isang pagdinig sa Se­nado hinggil sa plea bargaining agreement si dating AFP budget officer Lieutenant Col. George Rabusa na nagsabing si dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes ay tumanggap ng P50 mil­yong “pabaon” nang magretiro ito sa serbisyo noong 2002.

Nagbukas ito sa ma­ra­ming kuwestyon na dahilan para maniwala ang publiko sa mga akusasyon ng katiwalian sa militar.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CLARITA

CLARITA GARCIA

GARCIA

GAYUNMAN

GEORGE RABUSA

HEIDI

HEIDI MENDOZA

RABUSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with