^

Bansa

Chemical-based na panlinis may epekto sa kalusugan

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng envi­ron­mental group na Eco­Waste Coalition­ ang publiko na simula ngayong Bagong Taon ay iwa­san nang gamitin ang mga chemical-based clea­ning materials dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan.

Sa halip, sinabi ni retired che­mist Sonia Men­doza ng EcoWaste Coalition at Mother Earth Foundation na simulan na ang paggamit ng mga organic cleaning materials sa paglilinis ng kanilang mga tahanan, para na rin sa kalusugan ng kani-kanilang pamilya.

Babala ni Mendoza, bagama’t nakakaalis ng dumi ang mga chemical-based cleaning products, nag-iiwan naman ito ng mga toxins na masama sa kalusugan.

Kadalasan aniya sa mga produktong panlinis ngayon ay hindi inilalagay sa mga label o di kaya’y itinatago sa mga generic terms ang mga matatapang na kemikal.

Ilan sa mga hi­ni­hinalang carcinogens, en­docrine disrupters o re­productive toxins na ka­dalasang nakikita sa mga cleaning agents ay kinabibilangan ng ethy­lene glycol butyl ether, ethoxylated nonylphenol, methylene chloride, naphtha­lene, paradichlorobenzene, silica, toluene, trisodium nitrilotriacetate at xylene.

Sa halip na chemical-based cleaning agent ay gumamit na lamang ng mga tradisyunal at ligtas na cleaning substitutes na kadalasang makikita sa garden o kusina tulad ng sabila (aloe vera), is-is, tanglad at bay leaves, sukang puti, kalamansi juice, at baking soda.

Aniya, ang pag-adopt sa mga homemade cleaning tips ay hindi lamang makababawas sa polusyon at exposure ng tao sa mga toxins kundi makakatipid pa ng pera.

vuukle comment

ANIYA

BABALA

BAGONG TAON

CLEANING

ILAN

MOTHER EARTH FOUNDATION

SHY

SONIA MEN

WASTE COALITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with