'Easy access to success' ng Ultra Mega tagumpay

MANILA, Philippines - Dinagsa ng libo-libong loyal customers at suppliers ang ika-apat na taong Ultra Mega Trade Expo kamakailan sa Le Pavilion, Pasay City.

Ang dalawang araw na pagtitipon na may temang Ultra Mega Trade Show 2010: Your Easy Access to Success ay nagtampok hindi lamang sa tagumpay at patuloy na pag-unlad ng Ultra Mega at ng kanilang mga trade partners kundi maging ang patuloy na kontribusyon nito sa pagpapalago ng negosyo ng kanilang mga customers sa pamamagitan ng pagbibigay ng “good buys” at “better business opportunities”.

Sentro ng dalawang araw na event ang booth fair at nagtampok ng mga nag-gagandahang ‘themed’ booths ng pangunahing suppliers sa bansa.

Halos manabik ang mga invited customers ng Ultra Mega sa paghihintay na bolahin ang raffle na nagbigay sa kanila ng tsansang magwagi ng malalaking gantimpala tulad ng cash prizes, ipads at trip abroad.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo sa Trade Expo na maranasan ang mga benepisyo bilang isang Ultra Mega loyal customer.

Show comments