Libanan nag-resign

MANILA, Philippines - Kasunod ng pagbabago sa pamunuan ng DOJ ay naghain na rin kahapon ng courtesy resignation si Immigration Comm. Marcelino Libanan. 

Batay sa kauna-unahang announcement na inilabas ni DOJ Sec. Leila de Lima bilang kalihim ng kagawaran ay sinabi nito na sa isinagawang turn-over ceremony ay ibinigay ni Libanan ang kanyang courtesy resignation.

Nagpasalamat naman si de Lima sa mga inisyatibo at suporta ni Libanan sa pagbabago ng liderato sa DOJ at sa mga kontribusyon nito sa BI. 

Si Libanan ay 3 taong namuno sa BI kung saan kasama sa mga tinutukan nito ang paglaban sa human smuggling at trafficking.

Show comments