^

Bansa

Wage board magdedesisyon sa salary hike sa Metro Manila

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Posibleng malaman na sa linggong ito ang magiging desisyon ng Regional Wage Board hinggil sa kahilingang itaas ang sweldo ng mga minimum wage earners sa Metro Manila.

Ayon kay Ciriaco Lagunzad, executive director ng National Wages and Producti­vity Commission, si­mula kahapon ay nag­sasagawa na ng marathon deliberation ang wage board hinggil sa petisyon na P75.00 across the board na wage hike para sa mga minimum wage earners sa National Capital Region (NCR).

Bukod dito ay sisi­mu­lan na rin umanong talakayin sa ibang rehiyon ang 10 petisyon kaugnay sa posibleng umento sa sahod.

Aminado naman si Lagunzad na hindi madali ang usapin dahil marami pa rin umano sa mga exporters ang hindi nakakabawi sa epekto ng naranasang economic crisis.

“Hindi kasi ganoon kadali ang usapin ng sahod. Galing lang tayo doon sa epekto ng economic crisis, nagkaroon ng lay offs, lalo na sa Region 4 at Region 7. Ang mga exporters natin hindi pa nakakabawi, bagama’t unti-unti na silang naghi-hire ng mga employees,” ayon kay Lagunzad.

Gayunman ay kaila­ngan umanong balansehin ng gobyerno ang interes ng mga manggagawa at ng business sector.

vuukle comment

AMINADO

AYON

BUKOD

CIRIACO LAGUNZAD

GAYUNMAN

LAGUNZAD

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL WAGES AND PRODUCTI

REGIONAL WAGE BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with