YACAP Partylist pasok sa 2010 polls

MANILA, Philippines - Kumpiyansa ang You Against Corruption and Poverty (YACAP) partylist na muling makakaupo sa Mababang Kapulungan, base sa survey ng Pulse Asia at maging ng iba pang pribado at pampublikong survey group sa Visayas at Mindanao.

Lumabas sa survey noong January 2010 na inilabas ng Pulse Asia, pumatok ang popularidad ng YACAP partylist sa darating na May 2010 national elections, katulad din nang ito’y nagwagi noong 2007 elections.

Lumabas din sa survey na kabilang ang YACAP sa isa sa top ten partylist na kinikilala ng ating mga kababayan kahanay ang mga winnable partylists tulad ng Bayan Muna, Aangat Pinoy, Anak Pawis, Gabriela at Akbayan.

Malugod namang ti­nanggap ni Congresswo­man Carol Lopez, ang ki­na­tawan ng YACAP sa Ma­babang Kapulungan, ang naging positibong pulso sa kanilang mamamayang Pilipino.

Ayon kay Lopez, sa kasalukuyan ay tinutustusan ng YACAP ang pag-papaaral ng may isang lib­ong kapus-palad subalit matatalinong estudyante sa Mindanao, Luzon at Iloilo sa Visayas Region.

Patuloy din ang YACAP na nag-aabot ng tulong sa ating mga indigents tulad ng pagbibigay ng libreng medical, dental at eye missions sa bansa. (Butch Quejada)

Show comments