Dacer-Corbito murder: Ping humarap sa DOJ probers

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap na si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa Department of Justice na nag­sasagawa ng preliminary investigation sa Dacer-Corbito double murder case.

Sa counter-affidavit na isinumite niya sa DOJ, mariin niyang pinabula­anan ang mga akusasyon sa kanya kaugnay sa pag­dukot at pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Cor­bito noong November 2000.

Iginiit ni Lacson na wa­­lang basehan at pa­wang hearsay lamang ang ginamit na batayn ng magkakapatid na Dacer ng sampahan siya ng kaso sa DOJ kung saan ginamit nitong batayan ang testimonya ni dating Police Sr. Supt. Cesar Mancao na nagsasangkot sa kanya sa kaso.

Nilinaw din ng sena­dor na walang katotoha­nan ang sinasabi ni Man­cao hinggil sa isang insi­dente kung saan nasa loob umano sila ng kotse at inutusan niya si dating Police Col. Michael Ray Aquino na patayin si Da­cer salig na umanoy ina­prubahan ng dating Pa­ngulong Joseph Estrada.

Ayon kay Lacson im­posible itong mangyari dahil ng panahon na iyon ay na sa ibang bansa din siya kasama ang dating Pangulo at iba pang dele­gado nito para dumalo sa isang pagtitipon.

Hiniling din ni Lacson sa DOJ na ipatawag si Senador Mar Roxas upang tumestigo.

Sinabi ni Lacson na ng mga panahon na iyon ay magkasama sila ni Roxas sa delegasyon na isinama ni dating pangulong Es­trada para dumalo ng isang pagpupulong sa ibang bansa.

Bukod kay Roxas ka­bi­lang din sa mga hiniling ni Lacson na ipatawag ng DOJ ay ang mga mama­ma­hayag na sina Maki Pulido at Ted Failon kaug­nay ng ginawa nilang interview kay Mancao noong nasa Estados Unidos ito kung saan sinabi nito na pine-pressure siya ng gobyerno para idawit sa kaso. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments