^

Bansa

22 pa Pinoy seamen laya na

-

MANILA, Philippines – Pinalaya na ng mga Somali pirates ang 22 ang mga Pinoy seamen noong Sabado sakay ng dala­wang barko.

Nabatid na unang pina­laya ang MT Napiya na isang Greek-owned chemical tanker na may lulang 19 na tripulante, na kinabi­bilangan ng 18 Pinoy.

Ang naturang barko ay sinalakay noong Marso 25, at pinalaya noong Sabado ngunit hindi pa batid kung may kapalit itong ransom money.

Pawang nasa mabuti naman umanong kalaga­yan ang 18 tripulanteng Pinoy gayundin nag Russian captain nito, at nag­lalayag na patungo sa ligtas na bahagi ng kara­gatan.

Pinalaya rin ng mga pirata ang 32,000-ton na Malaspina Castle, na may lulang apat na Pinoy seamen na na-hijacked sa Gulf of Aden noong April 6.

Dahil sa naturang development, umaabot na lamang sa 54 ang bilang ng mga Pinoy seamen na kasalukuyang hawak ng mga pirata, na sakay ng apat na barko. (Mer Layson)


vuukle comment

DAHIL

GULF OF ADEN

MALASPINA CASTLE

MARSO

MER LAYSON

NABATID

NAPIYA

PINALAYA

PINOY

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with