^

Bansa

Bus marshal ikakalat

- Nina Joy Cantos at Angie Dela Cruz -

MANILA, Philippines – Magpapakalat ng bus marshals ang Philippine National Police para pa­ngalagaan ang mga bu­mibiyahe patungo sa mga probinsiya sa pa­ nahon ng Semana Santa.

Sinabi rin kahapon ni PNP Spokesman Supt. Nicanor Bartolome na magpapakalat din sila ng mga pulis sa paligid ng mga simbahan para sa seguri­dad ng mga taong papasok dito.

Sinabi ni Bartolome na bahagi ng Standard Operating Procedure ng PNP ang magpatupad ng mga pamamaraang pan­seguri­dad upang mapi­gilan ang posibleng pag­sasa­mantala ng mga elementong kri­minal.

Magpapakalat din ng mga nakasibilyang pulis o marshals sa mga pam­pasaherong bus na bumi­biyahe sa probin­sya.

Babantayan ng mga bus marshal ang mga ka­hina-hinalang kalala­kihan na sasabayan ng mga ito sa pagsakay sa mga bus sa pama­ma­gitan ng pag­papanggap na pasahero hanggang sa makarating ang mga behikulo sa des­tinasyon nito.

Bilang bahagi ng se­guridad ay kukunan ng larawan sa mga bus terminals ang mga pasahe­rong sasakay sa mga bus sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Idinagdag pa ng opis­yal na tututukan rin ang se­guridad sa mga resorts, malls at iba pang lugar na dinarayo ng mga tao kapag Semana Santa upang tiyakin ang kani­lang segu­ridad.

vuukle comment

MAGPAPAKALAT

METRO MANILA

NICANOR BARTOLOME

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SEMANA SANTA

SHY

SINABI

SPOKESMAN SUPT

STANDARD OPERATING PROCEDURE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with