Pasahe ibabalik sa P7.50

MANILA, Philippines - Pag-aaralan ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang mung­kahing ibalik sa P7.50 ang minimum na pasahe sa lahat ng pam­publikong jeepney kasu­nod ng muling pag­sirit sa presyo ng diesel.

Sinabi ni LTFRB Chai­ r­man Alberto Suansing sa kanyang pagdalo sa Bali­taan sa Tinapayan na sa Abril 22 ay diringgin ang pe­tition na maibaba ang pa­sahe mula P7 hang­gang P6. Dito ay bibigyan anya nila ng pagkakataon na maisingit ang usapin sa balik-P7.50 na pasahe at harangin ang fare rollback.

Magugunita na muling binatikos ng transport groups ang magkaka­sunod na oil price hike na umaabot na umano sa P2.80.

Kasabay nito, sinabi ni Suansing na patuloy ang isi­nasagawa nilang pag-aaral sa bayometriko ng pa­­sahe sa Metro Manila para ma­ laman kung mag­kano ta­laga ang karapat-da­pat na minimum fare sa mga pam­publikong sasak­yan.

Show comments