Random drug testing sa mga estudyante nag-umpisa na

Pormal nang sinimulan kahapon ng Department of Health (DOH) at ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa nang “random drug testing” sa mga estudyante.

Nabatid na nag-ikot sa mga pampubliko at priba­ dong paaralan sa Metro Manila ang mga opisyal ng DOH at DepEd kaugnay ng nasabing aktibidad.

Tiniyak naman ng dala­wang ahensya ng pama­halaan na hindi malalabag ang karapatan ng mga mag-aaral sa kanilang gi­nagawang drug testing.

Ayon kay Health Under­secretary Jade del Mundo, random ang pagpili sa mga eskwelahan na kanilang pupuntahan.

Lalagyan aniya ng corresponding numbers ang bawat paaralan at saka ira-raffle sa computer, na siya namang pipili ng 10 eskwe­lahan. Gayundin aniya ang paraang gagamitin sa pag­pili naman ng pangalan ng mga estudyante.

Base sa guidelines na sinusunod ng DepEd at DOH, hindi pipilitin ang mga bata na magpasailalim sa drug test. Gayunman, kum­pi­yan­sa naman silang pa­payag ang mga ito.

Sa inis­yung guidelines ng Dangerous Drugs Board walang estudyante na ma­susus­pinde o mapapa­talsik sa eskwelahan sa­ka­ling ma­patunayang guma­gamit sila ng droga. (Doris Franche/Angie dela Cruz)

Show comments