^

Bansa

Mga abogadong nasa payroll ng drug lords ilalantad ng VACC

-

Ilalabas ng grupong Volunteer Against Crime and Corruption ang listahan ng mga abogado at law firm na nasa payroll ng mga drug lord.

Ito ang inihayag kaha­ pon ni VACC Chairman Dante Jimenez kaugnay ng tinatawag na Alabang Boys bribery scandal.

Sinabi ni Jimenez na nakahanda silang ibunyag sa publiko ang pangalan ng mga abogado at law firm na suki ng mga drug lord na nakakasuhan sa korte at naabsuwelto kapalit ng suhol.

Naunang ibinunyag ni Major Ferdinand Marcelino ng Philippine Drug Enforcement Agency na P50 mil­yon ang tinangkang isuhol para madaliin ang pagpa­palaya sa mga drug suspek na sina Richard Brodett, Jorge Jordana Tecson at Joseph Tecson na tinagu­riang Alabang Boys at na­aresto noong Setyembre 2008.

Nabunyag ang mina­madaling pagpapalaya sa tatlo at ang suhulan nang magpalabas ng maanomal­yang resolusyon ang prosecution division ng Department of Justice noong Dis­yembre 2, 2008 na nagba­basura sa drug case ng mga suspek.

Sinabi pa ni Jimenez na karaniwang ang mga abo­gado at law firm na pina­pasahuran ng mga drug lord ang siyang sumasalo sa raffle ng kaso ng mga ito.

Kasabay nito, nagsam­pa kahapon ng petisyon sa SC ang VACC na humihi­ling na tanggalan ng lisen­sya o i-disbar ang abogado ng Alabang Boys na si Atty. Felisberto Verano kasunod ng pag-amin nito na siya ang gumawa ng draft release order ng kanyang mga kliyente na tinangka pang palagdaan kay Justice Sec. Raul Gonzalez. 

Sa reklamo ng VACC, labag sa code of conduct ng mga abogado ang gi­nawa ni Verano dahil mis­tulang pinaglaruan nito ang batas.

Ipinaliwanag pa ni Jime­nez na isang pribadong indibidwal si Verano at hindi ito maaaring gumamit ng letterhead ng isang tangga­pan ng gobyerno tulad ng DOJ.

Samantala, nilinaw ka­hapon ni Gonza­lez na si Pa­ngu­long Arroyo lamang ang may kaka­ya­ hang magtang­gal kay Justice Undersecre­tary Ricardo Blancaflor sa serbisyo.

Sinabi ng Kalihim na anu­ man ang maging re­sulta ng isinasagawa nilang imbestigasyon kaugnay sa naging papel ni Blancaflor sa kaso ng Alabang Boys ay rekomendasyon lamang ang maari nitong gawin at isumite kay Pangulong Arroyo.

Kasabay nito, itinalaga ng Court of Appeals ang mga mahistradong haha­wak sa habeas corpus petition ng Alabang boys.

Napunta ang petisyon kay Associate Justice Monina Zeñarosa ng CA 13th division bilang ponen­te o magsusulat ng desis­yon hinggil sa kaso.

Makakasama naman nito sa pagdedesisyon sina Associate Justices Amelita Tolentino at Ramon Garcia. (Rose Tesoro, Gemma Garcia, Joy Cantos at Butch Quejada)

vuukle comment

ALABANG BOYS

ASSOCIATE JUSTICE MONINA ZE

ASSOCIATE JUSTICES AMELITA TOLENTINO

BUTCH QUEJADA

CHAIRMAN DANTE JIMENEZ

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with