20 Pinay sinagip ni Jinggoy

Dalawampung (20) Pi­nay workers na minal-  trato ng kanilang mga   amo sa United Arab Emi­rates (UAE) ang nakauwi na kahapon sa bansa sa tulong ni Senate Presi- dent  Pro-Tempore Jing-goy Estrada.

Dumating dakong  alas-2:30 ng hapon sa NAIA Terminal 1 si Sen. Estra­ da dala ang 20 Pinay workers mula sa Dubai at Abu Dhabi sakay ng Etihad Airways flight.

Ayon kay Estrada na bumisita ng limang araw  sa UAE, mayroon pang   38 domestic helpers ang na­istranded sa Phil. Em­bassy ng Abu Dhabi at kasa­lukuyang inaasika­-   so na  ng pamahalaan ang ka­nilang repatriation pabalik sa bansa.

Karamihan sa mga   do­mestic helpers ay mga  runaway matapos na ma­ karanas sa kanilang em­ployer nang pagma­mal­trato, pang-aabuso, gaya ng di pinakakain at pina­sasahod ng tama, sob- rang oras sa trabaho at ginu­gulpi sa kaunting pag­­kakamali. (Ellen Fer­ nando)

Show comments